ALS SACRED HEART NOW OPEN FOR ENROLLMENT

BUKAS NA ANG ENROLLMENT ng ALS Center ng Sacred Heart Parish-Shrine para sa SY 2022-2023. Ang Alternative Learning System - Education and Skills Training o ALS-EST ay programa ng Department of Education. Ito'y isang parallel learning system sa Pilipinas na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga out-of-school youth and adult (OSYA) na mag-aaral na bumuo ng mga basic at functional literacy skills, at upang ma-access ang katumbas na mga pathway para makatapos ng basic education. May component ito na skills training. Tumatanggap na ng ALS center ng Sacred Heart Parish-Shrine ng mga mag-aaral na hindi nakatapos ng Elementarya at Junior High School Level na nais magpatuloy muli ng kanyang pag-aaral. Magdala lamang ng Original PSA Birth certificate at hanapin o makipag ugnayan kay Ms. Celia Alvarez-09279884977 upang magpatala. Sa ALS may pag-asa!



 

Comments

Popular Posts